Dubsmash – Part 8

Minsan ba naisip mo na kung ano talaga yung gusto mong gawin? Yung nakikita mo yung sarili mo na masaya ka, kasi naabot mo na yung gusto mong maabot.

“Pangarap ko maging isang ____________.”

Siguro dumating ka na din sa oras na inisip mo kung ano ang gusto mong gawin sa buong buhay mo, tama ba? Yung bagay na hindi mo tatawaging trabaho kundi paboritong libangan na nagpapasaya sayo. Kapag masaya ka sa ginagawa mo, kahit madami pa yon, nakakapuyat, nakakapagod… Para sayo wala ang lahat ng ‘yon kasi masaya ka. Nag-eenjoy ka.

Marami satin ang nangangarap maging matagumpay sa buhay. Iba iba man ng pamamaraan o klase, basta alam mo sa sarili mo na dun ka masaya, magtatagumpay ka.

“Kailan ko nga ba masasabing successful na ako sa buhay? Yung nakuha ko na yung isang bagay na tunay na nakakapagpasaya sakin.”

Kailan nga ba? Kapag ba nagkatrabaho ka, tapos na-promote, hanggang sa naging supervisor or manager? Or kapag nagkaroon ka ba ng sarili mong business? Pwede! Pero iilan lang yan sa mga paraan para masabi mong successful ka. Kasi para sakin, masasabi kong napagtagumpayan ko ang isang bagay kapag naabot ko na yung pangarap ko. Hindi ko man alam kung sa paanong paraan ko siya makakamit pero nararamdaman ko na masaya ako kapag naiisip ko na gagawin ko na ang bagay na ‘yon.

Madami din akong naging pangarap noon. Pagtungtong ko ng college, gusto ko sana maging nurse. Nung tumagal, naisip ko mas na-eenjoy ko ang numbers kaysa sa science kaya pinili ko ang accountancy. Kaso nahirapan naman ako, madami kasing nangyari nung mga panahon na ‘yon, kaya kahit hindi ako naging accountant masaya parin naman ako sa tinapos ko. Ang daming nangyayari sa buhay natin na kahit minsan hindi siguro natin naisip na mangyayari. Sabi nga nila…

Expect the unexpected.

Hanggang sa dumating ang araw na tapos na ako sa college (Yehey! Ang saya saya! Dami ko kasing pinagdaanan bago ko ‘to narating) at ngayon employed na ako sa isang universal bank. Yung natapos ko, nagagamit ko! Pwede ko na masabing successful na din ako sa buhay. Pero syempre hindi naman natatapos ang lahat don. Kasi nakalimutan ko pansamantala yung talagang gusto kong gawin. Yung totoong pangarap ko.

“Ano ba yung gusto mong gawin ngayon na nakikita mo yung sarili mo na gagawin mo na yon habang buhay?”

Hmm… Ang hirap nung tanong. Ano nga ba? Hindi ko pa masabi, pero gusto ko yung nagtatravel ako, tapos nagpipicture, nagvivideo, nakikipag-usap sa iba’t ibang tao. Kaya lang natatakot ako minsan. Baka kasi kapag nandon na ako hindi ko pala kaya. Baka kasi sinasabi ko lang yon, pero kapag nandyan na uurong din ako. Ang gulo noh? Kasi decided man ako sa gusto ko, hindi siguro ganon kadali maabot yung pangarap kong yon.

At dumating yung araw na napanood ko yung isang portion ng Eat Bulaga na Kalyeserye. Matagal na akong nanonood ng Eat Bulaga, nakalakihan ko na nga yon eh. Laking Eat Bulaga kasi kami ng pamilya ko. Naalala ko pa noon, sumali ng laban o bawi ang mama ko, tapos nag-audition din ako sa isang contest nila. Pero ayun nga, talo. Pero ganon talaga ang buhay, hindi palaging panalo. Pero kahit ganon yung nangyari, sobrang saya isipin kapag naaalala ko yung una kaming nakapasok sa Broadway Centrum. Yung ingay kasi sa loob, iba. Napaka-positive at sobrang saya talaga.

Balik tayo sa Kalyeserye… Iba ‘tong portion na ‘to promise! Iba yung dala niyang mensahe sa lahat. Kaya madaming nanonood, madaming tumatangkilik, madaming nagmamahal at mas nagmamahal pa ngayon sa Eat Bulaga. Kaya bilib na bilib ako sa kanila. Congratulations Eat Bulaga! Iba talaga kayo! Promise!

Teka, ano ba koneksyon nito sa sinasabi ko kanina na pangarap ko?

Simple lang… Nung una kong nakita si Yaya Dub.

“Wait! Teka! Sino siya? Bagong artista? Ganon na ba ako katagal na hindi nanonood ng tv kaya di ko na kilala mga bagong artista. Saan siya nakilala? May starstruck na ba ulit?”

Hay nako! Totoo yang reaction ko na yan. Nahiwagaan ako kung sino siya hanggang sa nanonood na ulit ako ng tv at dahil sa palagi siyang trending, madami akong nababasa tungkot sa kanya.

Na-inspire ako. Kasi sa kabila nung mga nalaman ko tungkol sakanya, hindi ko ineexpect na isang tulad niya yung mag-eenlighten sakin sa mga bagay bagay sa buhay. Sinubukan kong panoorin yung mga dubsmash niya, ang galing! Sobra! Nakakabilib! Naipakita niya sa lahat na sa kabila ng pagiging mahiyain niya, meron siyang natatagong galing at ganda. Hindi lang siya maganda, mabait pa. Though hindi ko kilala personally si Yaya Dub, nakikita at nararamdaman ko yung ganong klase ng pagkataong meron siya. Kaya yung pagiging inspirasyon niya sakin, nauwi sa unti-unti kong sinubukan na labanan yung takot ko. Kaya sinubukan kong mag-dubsmash din.

“Try ko kayang mag-dubsmash. Subukan ko lang. Kaso baka may negative feedback. Pero kasi… Hmm… Try lang! Pagtawanan ko lang din yung sarili ko. Haha! Baka sakaling… mabawasan ng konti yung takot ko.”

Ayun nga, nag-dubsmash ako. Ginagawa ko siya kapag may free time, o kaya naiinip, o kaya naka-leave, ti-nry ko. Nung minsan akong pumunta sa lola ko, pinakita ko sa kanila yon tapos tawa sila ng tawa. Nakakatawa daw kasi may mga ganong videos ako. Tapos sabi ng lola ko i-upload ko. Kaya inupload ko siya sa mga accounts ko – Instagram, Facebook, Vine, Youtube Channel, Blog.

“Kung ano gusto mo talagang gawin, i-push mo.”

Ito yung mga salitang hindi ko sineseryoso, pero kalaunan naiisip ko. Meron pala talagang time na marerealize mo yung mga bagay bagay sa buhay mo. Pwedeng yung gusto mong baguhin, gusto mong marating, o di naman kaya gusto mong bigyan na ng buong oras mo. Madami tayong gusto. Madami tayong pangarap. Madami tayong hiling. Pero lahat ng ‘yon hindi matutupad kung hindi natin sasamahan ng dasal. Kapag ang isang pangarap ay may kasamang dasal, susundan na ‘to ng gawa. Hanggang sa darating nalang ang TheRightTime.

Alam ko tulad ko meron ka din gustong marating, at alam ko na yung bagay na yon ay matagal mo na pinapangarap. Huwag kang mag-aalala, kasi alam ko naririnig ka Niya, naririnig Niya tayo. Basta magtiwala at maniwala ka na nothing is impossible, at maging patient ka din. Kaya good luck sayo! Good luck sa mga pangarap natin. Hintay lang tayo sa tamang panahon.

Tulad nga ng sinasabi nila…

Expect the unexpected.

Check out my other Dubsmash videos in my Youtube channel. Enjoy watching! ALDUB you! ❤

Advertisements

One thought on “The Right Time

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s